Sabado, Setyembre 21, 2013

Bahay Kubo



            Sa paglilibot namin sa Intrramuros napadpad kami sa isang lugar na iba’t ibang klase ng bahay. At kahit na umuulan tinuloy naming ang pagiikot ikot para makuhanan lamang namin ng litrato ang iba’t ibang uri ng bahay kubo. 





Casa Manila Intramuros



The City Lives On!

  




            Ito ay isang historical na lugar na matatagpuan sa intramuros. Ang Casa Manila ay isang uri ng bahay ng mga mayayaman noon, pero hangang ngaun ay pinapanatiling naka preserve para sa mga susunod na henerasyon ay makita pa nila anaq kagandahan ng bahay ng mga mayayaman noon.
            Ang unang pagpasok namin sa labas ng Casa Manila nakita naming ang napakalaking PATIO kung saan may malaking fountain sa gitna. At sa baba naman ng bahay may mga guardiyang nagbabantay. Nang pagpasok namin sa loob bumungad agad samin ang napakalaking  larawan ng may ari ng bahay. Sa kabilang banda makikita doon ang malaking ENTRESUELO. Ito ay opisina sa loob ng bahay. Kinuwento samin ng isang guardiyang namamahala doon ang naging papel ng entresuelo noon. Tapos pinakita din sa amin ang dalawang kwuarto ng magkapatid na isang dalagang babae, at ng binata. Magkatabi lang ang kuwarto ng dalawa na may pintuan sa pagitan ng dalawang kuwarto. Pinakita din sa amin ang mga lumang aklat at salapi noon na hangang ngayon ay pinapanatili nila itong maayos at buo.
            Pag akyat naming sa pangalawang palapag doon naman naka pwesto ang malaking sala. Sa kabila naman nandoon ang malaking kwarto ng may ari ng bahay na tinatawag itong CUARTO PRINCIPAL. Napansin naming may painting sa kisame ng kwarto. Sa kabilang bahagi naman ng bahay meron doong ORATORIO kung saan doon nakalagay ang mga santo. Nakita din naming doon ang napakalaking COMEDOR na kung saan doon kumakain ang mga mayayaman. Napuntahan din namin ang parte ng bahay na lutuan ang tinatawag na COSINA. Napansin naming doon na kumpleto pa ang halos na kagamitan sa pagluluto. Ang malalaking kaldero at sandok na nakadisplay doon. At malimitan lamang ipahawak dahil na rin sa tagal ng mga kagamitan. Napuntahan din naming ang LETRINA ay isang uri ng palikuran na kadalasan ay dalawang tao ang pwedeng gumamit ng sabay. Katabi naman nya ay ang BANYO na nagsisilbing paliguan. May dalawang malaking palangana na nagsisilbi nilang bathtubs. Napanatili nilang maayos at kaaya ayang puntahan ang Casa Manila. Dahil sa bawat pagpunta mo dito madami kang matutuklasang kakaiba sa mga panahong iyon.
            Nagawa pa naming mag papicture kasama ang mga guardiya sibil sa baba ng Casa Manila kaya sinulit na naming ang pagkuha ng litrato sa ibaba. Dahil hindi kami pwedeng kumuha ng mga litrato sa Casa Manila dahil pinapanatili nila itong pribado.

San Agustine Church




Sumunod na pinuntahan namin ay ang San Augustine Church na katabi ng Casa Manila. Tila dinarayo nga ito ng mga banyaga dahil siguro sa kasaysayan ng simbahan na ito at sa magandang istruktura nito. Pero hindi naming agad ito napasok dahil may seremonyas ng kasal at binyag ang nagaganap sa loob kaya inantay naming matapos iyon. Noong nakapasok na kami sa loob napaka ganda ng simbahan na ito. Bumungad samin ang mga lapida ng mga yumaong tao na nakadikit sa sahig ng simbahan. Ang malalaking rebulto ng mga santo nandoon din nakalagay ang mga labi ni Miguel Lopez de Legaspi.

.










Manila Cathedral Church


Setyember 15, 2013 6am pa lang nagkitakita na kaming magkakagrupo sa bancal para magtungo sa Intramuros. Isang sakay lang naman siya mula bancal patungong intramuros. Medyo makulimlim ang mga panahong iyon. Isang oras lamang ang biyahe papunta doon, at dahil linggo walang traffic. Nang makarating na kami sa Intramuros una naming nakita ang Manila Cathedral kaso sa kasamaang palad hindi naming ito napasok dahil sarado ito at inaayos.