The City Lives On!
Ito ay isang historical na lugar na matatagpuan sa intramuros. Ang Casa Manila ay isang uri ng bahay ng mga mayayaman noon, pero hangang ngaun ay pinapanatiling naka preserve para sa mga susunod na henerasyon ay makita pa nila anaq kagandahan ng bahay ng mga mayayaman noon.
Ang unang pagpasok namin sa labas ng Casa Manila nakita
naming ang napakalaking PATIO kung saan may malaking fountain sa gitna. At sa
baba naman ng bahay may mga guardiyang nagbabantay. Nang pagpasok namin sa loob
bumungad agad samin ang napakalaking larawan ng may ari ng bahay. Sa kabilang banda
makikita doon ang malaking ENTRESUELO. Ito ay opisina sa loob ng bahay.
Kinuwento samin ng isang guardiyang namamahala doon ang naging papel ng
entresuelo noon. Tapos pinakita din sa amin ang dalawang kwuarto ng magkapatid
na isang dalagang babae, at ng binata. Magkatabi lang ang kuwarto ng dalawa na
may pintuan sa pagitan ng dalawang kuwarto. Pinakita din sa amin ang mga lumang
aklat at salapi noon na hangang ngayon ay pinapanatili nila itong maayos at
buo.
Pag akyat naming sa pangalawang palapag doon naman naka
pwesto ang malaking sala. Sa kabila naman nandoon ang malaking kwarto ng may
ari ng bahay na tinatawag itong CUARTO PRINCIPAL. Napansin naming may painting
sa kisame ng kwarto. Sa kabilang bahagi naman ng bahay meron doong ORATORIO
kung saan doon nakalagay ang mga santo. Nakita din naming doon ang napakalaking
COMEDOR na kung saan doon kumakain ang mga mayayaman. Napuntahan din namin ang
parte ng bahay na lutuan ang tinatawag na COSINA. Napansin naming doon na
kumpleto pa ang halos na kagamitan sa pagluluto. Ang malalaking kaldero at
sandok na nakadisplay doon. At malimitan lamang ipahawak dahil na rin sa tagal
ng mga kagamitan. Napuntahan din naming ang LETRINA ay isang uri ng palikuran
na kadalasan ay dalawang tao ang pwedeng gumamit ng sabay. Katabi naman nya ay
ang BANYO na nagsisilbing paliguan. May dalawang malaking palangana na
nagsisilbi nilang bathtubs. Napanatili nilang maayos at kaaya ayang puntahan
ang Casa Manila. Dahil sa bawat pagpunta mo dito madami kang matutuklasang
kakaiba sa mga panahong iyon.
Nagawa pa naming mag papicture kasama ang mga guardiya
sibil sa baba ng Casa Manila kaya sinulit na naming ang pagkuha ng litrato sa
ibaba. Dahil hindi kami pwedeng kumuha ng mga litrato sa Casa Manila dahil
pinapanatili nila itong pribado.
Wow! nice post, hindi ko talaga akalain na may ganitong lugar sa Manila. I saw it from an internet post Casa Manila Intramuros, best place in Manila! Thanks for giving us information Ms. Stephanie
TumugonBurahin