Sa paglilibot namin sa Intrramuros napadpad kami sa isang
lugar na iba’t ibang klase ng bahay. At kahit na umuulan tinuloy naming ang
pagiikot ikot para makuhanan lamang namin ng litrato ang iba’t ibang uri ng
bahay kubo.
Sabado, Setyembre 21, 2013
Casa Manila Intramuros
The City Lives On!
Ito ay isang historical na lugar na matatagpuan sa intramuros. Ang Casa Manila ay isang uri ng bahay ng mga mayayaman noon, pero hangang ngaun ay pinapanatiling naka preserve para sa mga susunod na henerasyon ay makita pa nila anaq kagandahan ng bahay ng mga mayayaman noon.
Ang unang pagpasok namin sa labas ng Casa Manila nakita
naming ang napakalaking PATIO kung saan may malaking fountain sa gitna. At sa
baba naman ng bahay may mga guardiyang nagbabantay. Nang pagpasok namin sa loob
bumungad agad samin ang napakalaking larawan ng may ari ng bahay. Sa kabilang banda
makikita doon ang malaking ENTRESUELO. Ito ay opisina sa loob ng bahay.
Kinuwento samin ng isang guardiyang namamahala doon ang naging papel ng
entresuelo noon. Tapos pinakita din sa amin ang dalawang kwuarto ng magkapatid
na isang dalagang babae, at ng binata. Magkatabi lang ang kuwarto ng dalawa na
may pintuan sa pagitan ng dalawang kuwarto. Pinakita din sa amin ang mga lumang
aklat at salapi noon na hangang ngayon ay pinapanatili nila itong maayos at
buo.
Pag akyat naming sa pangalawang palapag doon naman naka
pwesto ang malaking sala. Sa kabila naman nandoon ang malaking kwarto ng may
ari ng bahay na tinatawag itong CUARTO PRINCIPAL. Napansin naming may painting
sa kisame ng kwarto. Sa kabilang bahagi naman ng bahay meron doong ORATORIO
kung saan doon nakalagay ang mga santo. Nakita din naming doon ang napakalaking
COMEDOR na kung saan doon kumakain ang mga mayayaman. Napuntahan din namin ang
parte ng bahay na lutuan ang tinatawag na COSINA. Napansin naming doon na
kumpleto pa ang halos na kagamitan sa pagluluto. Ang malalaking kaldero at
sandok na nakadisplay doon. At malimitan lamang ipahawak dahil na rin sa tagal
ng mga kagamitan. Napuntahan din naming ang LETRINA ay isang uri ng palikuran
na kadalasan ay dalawang tao ang pwedeng gumamit ng sabay. Katabi naman nya ay
ang BANYO na nagsisilbing paliguan. May dalawang malaking palangana na
nagsisilbi nilang bathtubs. Napanatili nilang maayos at kaaya ayang puntahan
ang Casa Manila. Dahil sa bawat pagpunta mo dito madami kang matutuklasang
kakaiba sa mga panahong iyon.
Nagawa pa naming mag papicture kasama ang mga guardiya
sibil sa baba ng Casa Manila kaya sinulit na naming ang pagkuha ng litrato sa
ibaba. Dahil hindi kami pwedeng kumuha ng mga litrato sa Casa Manila dahil
pinapanatili nila itong pribado.
San Agustine Church
Sumunod
na pinuntahan namin ay ang San Augustine Church na katabi ng Casa Manila. Tila
dinarayo nga ito ng mga banyaga dahil siguro sa kasaysayan ng simbahan na ito
at sa magandang istruktura nito. Pero hindi naming agad ito napasok dahil may
seremonyas ng kasal at binyag ang nagaganap sa loob kaya inantay naming matapos
iyon. Noong nakapasok na kami sa loob napaka ganda ng simbahan na ito. Bumungad
samin ang mga lapida ng mga yumaong tao na nakadikit sa sahig ng simbahan. Ang
malalaking rebulto ng mga santo nandoon din nakalagay ang mga labi ni Miguel
Lopez de Legaspi.
. 
Manila Cathedral Church
Setyember
15, 2013 6am pa lang nagkitakita na kaming magkakagrupo sa bancal para magtungo
sa Intramuros. Isang sakay lang naman siya mula bancal patungong intramuros.
Medyo makulimlim ang mga panahong iyon. Isang oras lamang ang biyahe papunta
doon, at dahil linggo walang traffic. Nang makarating na kami sa Intramuros una
naming nakita ang Manila Cathedral kaso sa kasamaang palad hindi naming ito
napasok dahil sarado ito at inaayos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)